SABLAYAN, Occidental Mindoro – Kakaibang kasalan ang naganap muli sa Sablayan, Occidental Mindoro sa isang hindi malilimutang seremonya kasabay ng pagdiriwang ng Tuna Festival nitong Biyernes.
Walong mangingisda ang ikinasal sa kanilang mga kaparehas sa gitna ng dagat habang sakay ng kanilang mga bangka.

Mismong si Mayor Bong Marquez ang nagdaos ng seremonya ng kasal kung saan nangako ang mga bagong mag-asawa ng walang hanggang pag-ibig habang saksi ang karagatan, na siyang pinagkukunan nila ng kabuhayan .
Saksi sa pag-iisang dibdib ng mga magkakapareha ang mga kapwa nila mangingisda na hindi maitago ang kilig habang idinadaos ang seremonya.

Bagamat sa bangka idinaos ang kasal, mahigpit na bilin ng mga ninong at ninang , bawal ang mamangka sa dalawang ilog.
Kasal sa balsa: Lubid- Puso ng Pamayanan ang tema ng kasalan na sumisimblo sa pagsasanib ng tradisyon, kultura at pagmamahalan.
Layunin din ng program ana maitampok ang kultura, kabuhayan at turismo ng bayan ng Sablayan.
Ang dahil mga mangingisda ang mga bagong kasal, sa tabing dagat din ang handaan kung saan ang mga nakahain ay mga tuna.

Patuloy na nagiging atraksyon ang kasalang bayan sa Sablayan na iba-iba lagi ang tema.
Noong nakaraang buwan 18 pares din ng Katutubong Mangyan ang ikinasal sa kagubatan.
Noong Araw ng mga Puso nagkaroon din ng kasalang bayan na idinaos sa gitna ng isang tulay.
Nagkaroon na rin ng kasalang bayan sa gitna ng ilog sa Barangay San Agustin noong 2023.
Noong nakaraang taon, nagdaos din ang Sablayan ng kasalang bayan sa tuktok ng bundok.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025