LIPA CITY, Batangas – Isang misa ang idinaos Miyerkoles ng hapon sa Lipa City, Batangas para kay Malia Kates Yuchen Masongsong, ang apat na taong gulang na bata na nasawi sa NAIA car crash.
Pero hindi nito mapawi ang galit na nararamdaman ng ama ni Malia na si Danmark sa drayber ng SUV na naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak.

Walang ibang nais si Danmark kungdi magbayad sa batas ang drayber ng SUV upang mabigyan ng hustisya ang kaniyang anak gayundin ang kaniyang asawa, ina at pamangkin na nasugatan.
Para kay Danmark walang kapatawaran sa drayber ng SUV.
“Ang gusto po namin mabulok siya sa kulungan para mabigyan ng hustisya ang anak ko” sabi ni Danmark.
“ikaw nakakakain ka pa ,ang anak ko wala na ,malakas pa katawan mo dyan sa kulungan, ang anak ko wala na, ang aking ina nasaktan din ,pati pamangkin ko, yung kasalanan mo walang kapatawaran niyan, tandan mo yan kaya korte na laang ang baha sa iyo” dagdag pa niya.
Hihintayin muna ni Danmark na mailibing ang anak bago niya harapin ang drayber ng SUV na kaniyang tiniyak na papanagutin niya sa batas.
“Darating ang oras magkikita rin tayo at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak ko
“ sabi pa niya.
Hindi pa rin nakakadalaw sa burol ng kaniyang anak si Cynthia simula nang makumpirma niya ang masamang balita ng pagkamatay ng anak.
Ayon kay Danmark, gusting- gusto na ng kaniyang asawa na makalabas ng ospital para madalaw ang burol ng anak pero hirap pa rin nitong maigalaw ang katawan.
“Napakasakit po ng kaniyang nararamdaman ,hindi pa rin po siya makapaniwala na wala na ang anak namin “ sabi ni Danmark.
Wala pa rin petsa ang libing ni Malia .
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025