BATANGAS – Balik sa kapitolyo ng Batangas si Vilma Santos- Recto matapos na siya ang manalo na gobernador pero ang kaniyang anak at katandem na si Lucky Manzano ay hindi sinuwerte na manalo na bise gobernador.
Nakatanggap si Santos-Recto ng botong 655,034 habang pumangalawa lamang ang dating mayor ng Padre Garcia na Mike rivera na may botong nakuha lamang 532,531 , pangatlo si Mataasnakahoy Vice Mayor Jay Ilagan sa botong 272, 677 at panghuli si Brgy. Chairman Walter Ozaeta na may botong 95,946 lamang.
Hindi nakadalo si Santos-Recto sa kaniyang proklamasyon dahilan para basahin na lamang ni provincial board of canvasser chairperson Atty. Jonalyn Sabellano ang official proclamation.
Paliwanag ni Sec. Ralph Recto, masama ang pakiramdam ng kaniyang asawa.
“nagpapahinga, nabinat, she was happy that she won naturally , of course sad as well that Lucky did not make it “ sabi ni Sec. Recto.
Nanalo naman ang bunsong anak nina Sec. Recto at Vilma na si Ryan Christian Recto bilang kinatawan ng 6th district ng Batangas na sumasakop sa Lipa City.
92,823 votes ang natanggap ng batang Recto laban kina Bernadette Sabili na may nakuha lamang na 72,976 votes habang sina Atty. Mar Panganiban nay may botong 20,872 at si Rodel Lacorte ay 15,398 votes lamang.
“to those whote voted for me and to those who didn’t vote for me , Im looking forward to serving both “ sabi ni Congressman -elect Recto.
Si incumbent Governor Hermilando Mandanas naman ang naiproklama ng bise gobernador ng Batangas matapos talunin ang anak ni Santos-Recto at TV host na si Lucky Manzano at ang Mayor ng bayan ng Bauan na si Ryanh Dolor.
821, 380 ang nakuhang boto ni Mandanas habang 565 ,077 boto ang kay Manzano o 256, 303 boto na diperensya. 127, 036 boto naman ang natanggap ni Dolor.
Panalo naman ang asawa ni Dolor na si Wendha na mayor ng Bauan.
Ayon kay Mandanas, hindi na siya nasorpresa na siya ang pinili ng mga Batangueno laban sa isang TV host.
“ako naman ay tagarito at kilala ko ang ating mga kababayan kaya hindi surpresa, ang totoo yun ang ating inaasahan “ sabi ni Mandanas.
Umaasa si Mandanas na magkakasundo sila ni Vilma sa mga programa para sa Batangas.
“Wala ako nakikita na hindi pagsasamahan na ayon sa ating tunay na hangarin na mapaglingkuran ang ating kapwa sa tulong at awa ng ating Panginoon”
Pinasalamantan din ni Mandanas si Manzano dahil naipakita nito ang tunay na kultura ,kagitingan at bukas sa pananaw ng mga taga-Batangas.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025