TAYABAS CITY, Quezon – Pito ang sugatan matapos na bumangga sa mga concrete barriers ang sinasakyan nilang van sa Bypass Road, Barangay Baguio, Tayabas City, Quezon, Linggo ng madaling araw.
Isinugod ng mga rescue team ng Tayabas City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga biktima sa Tayabas Community Hospital.

Karamihan sa mga biktima ay taga Valenzuela, Caloocan, Mandaluyong at San Jose Del Monte City, Bulacan na may edad na 17 anyos hanggang 74 anyos.
Hindi naman nasaktan ang drayber ng van na 70 anyos.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang 3:19 ng umaga habang binabagtas ng van ang bypass road rotunda intersection nang makasalubong nito ang isang sasakyan na may malakas na ilaw na naging dahilan para masilaw siya at hindi makita ang daan kaya bumangga siya sa mga concrete barrier.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025