CAVITE – Higit 4 na milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng PDEA sa isang traysikel drayber na itinuturing ng mga otoridad na high value drug personality sa isinagawang buy bust operation sa Barangay H2, Dasmariñas City, Cavite.
Ang suspek ay kinilala lamang sa Alyas na Acmad na residente ng Barangay Datu Esmael ay naaresto bandang 1:55 ng hapon nitong Martes.
Nakumpiska sa kaniya ang higit kumulang 600 gramo ng hinihinalang shabu sa magkakasamang operasyon na isinagawa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1, PDEA Laguna at PNP Cavite Maritime Police Station.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025