MAKATI CITY – Isinusulong ni Mayor Jennifer “Ina Aelgre” Cruz na matulungan ng Department of Tourism ang mga programa ng bayan ng Pola sa Oriental Mindoro upang mas lalo pang mapaunlad ang turismo upang makalikha ng mas maraming trabaho.
Nagkaroon ng pagkakataon sina Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer “Ina Alegre” Cruz at Tourism Secretary Christina Fraco na magkausap sa isang event sa Makati City nitong Sabado.
Sa kanilang kwentuhan, ipinagmalaki ni Mayor Cruz ang mga tourism attractions sa bayan ng Pola na labis na ikinatuwa ni Sec. Frasco.
Kabilang sa mga ibinida ni Mayor Cruz kay Sec. Frasco ang mga ancestral house, ang white beach at ang mga marine protecte areas.
Ginamit na rin ito ni Mayor Cruz na pagkakataon para humingi ng tulong kay Sec. Frasco upang mas lalo pang mapaunlad ang turismo ng bayan ng Pola.
Namangha si Sec. Frasco sa mga ikinuwento ni Mayor Cruz kaya sinabi ng kalihim na nais niyang mabisita ang Pola.
Nangako si Sec. Frasco na bibigyan niya ng pansin ang turismo ng Pola.
Nangako ang kalihim ng tulong at kaniya rin sinabi na nais niyang mabisita ang Pola.
Nakasama ni Mayor Cruz sa pakikipagpulong kay Sec. Frasco si Dennis Datu na isa rin taga- Pola.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025