LAGUNA – Bumagsak na umano ang tiwala ng mga mamamayan ng Laguna sa mag-asawang sina Gov. Ramil Hernandez at 2nd District Rep. Ruth Hernandez matapos ang isinampang petition for disqualification na kanilang kinakaharap dahil sa alegasyon ng vote-buying.
Nababahalal ang ilang residente at mga local na grupo sa Laguna sa kung may integridad pa umano ang kandidatura ng mag-asawa dahil sa mga akusasyon ng pamimili ng boto na umano’y isinasagawa nila sa ilang bayan.
Ang mag-asawa ay sinampahan na ng disqualification case sa COMELEC .
“paano natin sila pagkakatiwalaan, ngayon pa lamang ipinapakita na nila na hindi sila nararapat dahil sa ginagawa nilang pamimili ng boto, pagkakatiwalaan ba natin ang mga ganyan na mamuno ng ating bayan? Saad ng isang residente na humiling na huwag nang pangalanan.
Una nang itinanggi ng kampo ni Hernandez ang paratang na vote -buying.
Para sa ilang local civiv organizations, ang ganitong mga uri ng maduduming pamamaraan para makakuha ng boto ay nagpapalala sa krisis sa tiwala ng mamamayan sa electoral system ng bansa.
Hinimol ng mga civic groups ang COMELEC na maging mas mahigoit sa pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang integridad ng halalan.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025