SANTA CRUZ, Laguna – Tatlong lalaki na mga peke umanong empleyado ng Commission on Elections (COMELEC) ang inaresto ng mga pulis habang nagsasagawa ng inspection sa mga automated counting machines o ACM sa loob ng isang eskwelahan sa Santa Cruz, Laguna, Lunes ng hapon.
Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Noli Placido Giliberte, 64 anyos, Jole Placido Giliberte, 73 anyos at Jose Nazario Cordoba Cayado, 46 anyos na pawang mga taga-Brgy. Salvacion, La Loma, Quezon City.
Sa imbestigasyon, bdang alas-4:00 ng hapon, dumating ang mga suspek sa Silangan Elementary School at nagpakilalang mga taga-Comelec main office para umano magsagawa ng inspection sa ACM.
Dahil nagpakita umano ng mga Comelec ID ang mga suspek ay pinayagan ang mga ito na makapagsagawa ng inspection at makapagpicture sa ACM .
Pero nagduda ang mga pulis dahil hindi tama ang suot nilang uniform at kaduda-duda ang mga dokumento na ipinakita nila kaya inalerto agad ang Comelec election officer ng Santa Cruz.
Pagdatin ni Patrick Arbilo, acting comelec officer ng Santa Cruz at Atty. Patrick Enaje, Laguna Provincial Election Supervisor, doon natuklasan na mga hindo totoong empleyado ng Comelec ang mga suspek.
Peke rin umano ang mga ipinakita ng mga suspek na identification card ng Comelec Task Force Kontra Bigay.
“Pinagpipilitan pa rin nila na sila ay mga empleyado ng comelec at galing sa main subalit pagberipika natin sa main office ng comelec ay napatunayan na sila ay hindi galing sa main office ng comelec” sabi ni PLTCOL Mark Julius Rebenal, hepe ng Santa Cruz Police Station.
Nakatakas naman ang mga kasama ng tatlong naarestong suspek lulan ang dalawang kotse na may mga logo pa ng Comelec.
Iniimbestigahan pa ang motibo ng mga suspek na nahaharap sa kasong usurpation of authority and falsification of public document.
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025
- Passenger Ship and Fishing Vessel Collide Near Lucena City Pier - July 7, 2025