MANILA – Mga taga- Lipa City, Batangas ang mga biktima nang aksidente sa waiting area sa may departure area ng NAIA Terminal 1 kung saan isang SUV nakasagasa sa mga tao.
Nangyari ang aksidente pasado ala-8:00 ng umaga.
Sa inisyal na report ay kabilang sa nasawi ay isang 5 taong gulang na batang babae at isang 29 na taong gulang na lalaki.
Isinugod naman sa San Juan De Dios Hospital ang mga sugatan na kinabibilangan ng isang pitong taong gulang na babae, kaniyang ina at lola na pawang mga taga-Brgy. Marawoy.
Naghatid lamang ng kapamilya na patungong ibang bansa ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.
Hawak na ng mga otoridad ang dryaber ng SUV na taga-Lobo, Batangas.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025