BATANGAS CITY – Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang grass fire na sumiklab sa lupain na sakop ng Batangas International Port sa Batangas City.
Ayon kay Batangas Port Manager Joselito Sinocruz, bandang 12:55 ng hapon nagsimula ang sunog.
Mabilis na rumesponde ang fire truck ng Philippine Ports Authority o PPA pero naging mabilis ang pagkalat ng apoy lalo’t malakas ang hangin at tuyong-tuyo ang mga damo.

Sumaklolo na rin ang Batangas City Fire Station.
Ayon kay Sinocruz, tinatayang nasa 20 ektarya na ang lawak ng apektado ng sunog.
Inaagapan nilang hindi maabot ng apoy ang stock yard kung saan may mga nakaimbak na mga hazardous chemicals.
Sinisikap din na hindi madamay ang mga nakaparadang mga imported brand new cars.
Habang iniingatan din na makalapita ang sunog sa residential area.
Hindi pa malinaw kung papaano nagsimula ang sunog.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025