TUY, Batangas – Tinatayang nasa 340 million pesos ang halaga ng pinsala ng isa sa pinakamalaking sunog na sumiklab sa Batangas ngayong taon.
Ayon kay Sr.Supt. Dennis Molo, provincial fire marshall ng BFP – Batangas, badang 11:40 ng umaga nitong Sabado nang maideklarang fire-out ang sunog sa Brgy. Guinhawa, Tuy,Batangas.
Open warehouse ng mga cable at pvc ng Philippine Fiber Optic Cable Network ang nasunog na nagsimula bandang 10:45 ng umaga nang Biyernes.
Dalawang bahay din ang nadamay sa sunog pero inaalam pa ang halaga ng pinsala nito.
Higit 15 fire trucks mula sa probinsya ng Batangas bukod pa ang mga bumbero mula sa Cavite at mga fire trucks mula sa mga fire volunteers sa Metro Manila ang rumesponde.
Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng apoy.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025