MAMBURAO, Occidental Mindoro – Nabalot ng makapal na usok ang bahagi ng Barangay 4 sa Mamburao, Occidental Mindoro matapos sumiklab ang malaking sunog ngayong Sabado ng umaga.
Sa inisyal na report, ang nasusunog ay isang talyer na malapit sa isang gasolinahan.
Rumesponde ang mga bumbero ng Mamburao Fire Station at sumaklolo na rin ang mga bumbero mula sa Abra de Ilog at Sta. Cruz.

Nagbayanihan ang komunidad na kinabibilangan ng ng mga residente, mga barangay officials, mga pulis at iba pa para maapula ang apoy.
May mga sasakyan na rin na nadamay sa sunog.

Larawan kuha ni Karlo Magno Caracas.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa na inaapula ang sunog.
Hindi pa tukoy ang pinagmulan nito.
ULAT ni Karlo Magno Caracas.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025