Sunog sa Old Oriental Mindoro Provincial Hospital dahil sa kuryente

Bahagi ng Old Oriental Mindoro Provincial Hospital na nasunog. Larawan mula sa Calapan CDRRMO.

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Posibleng  may kinalaman sa kuryente ang  pinagmulan ng sunog na tumupok sa lumang gusali ng Old Oriental Mindoro Provincial Hospital  nitong Linggo ng tanghali, April 27,2025.

Sa inilabas na official statement ng Provincial Health Office, bandang 11:45 ng umaga nang mangyari ang sunog  na nakaapekto sa sa lumang canteen ng ospital  at sa out-patient  department section.

Base sa umano sa inisyal na pahayag ng mga nakasaksing residente , isang pagsabog muna ang narinig mula sa electric post  kung saan nakakabit ang transformer.

Sabi ng PHO,mabilis na rumesponde ang BFP- Calapan City, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Oriental Mindoro,  at tumulong na rin ang  Tamaraw Fire Volunteer Brigade, BFP- Baco at ang City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Calapan City.

Ayon pa sa PHO, nang mangyari ang sunog, ang OPD Section ng Old OMPH ay ginagamit ng provincial health office bilang pansamantalang  storage area ng  19 na piraso ng damaged toilet bowls  na hinihintay na lamang kunin ng supplier para mapalitan at  imbakan din ng waste infectious boxes na naglalaman ng discarded syringes na ginamit  mula sa dating cold chain  vaccination activities.

Wala rin nasaktan sa nangyaring sunog.

Dagdag pang pahayag ng PHO, ang lumang gusali ng OMPH ay nabakante na  at formal nang na-i-donate  sa Department of Health  para sa itatayong  MIMAROPA Regional Hospital.

Patuloy pa rin naghihintay ang PHO  sa BFP- Calapan City nang resulta ng pinal na imbestigasyon sa nangyaring sunog.

Kaugnay na ulat : https://totoongbalita.ph/old-provincial-hospital-ng-oriental-mindoro-nasunog-provincial-health-office-tiniyak-na-walang-mga-gamot-na-nadamay/mimaropa/tbst/

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *