State of Emergency idineklara sa Pakil,Laguna dahil sa dengue

LAGUNA – Inilagay na sa state of emergency ang bayan ng Pakil sa Laguna dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga tinatamaan ng dengue.

Inabruhan ng Sangguniang Bayan ang hiling ni Mayor Vince Soriano na makapagdeklara ng state of emergency upang mapabilis ang pagtugon ng local na pamahalaan para masugpo ang mga kaso ng dengue.

“mapapabilis yung purchases namin ng mga additional na gamit katulad ng misting at fogging machines at saka yung mga chemicals na kailangan para sa paglaban sa mga lamok na may dala-dalang sakit na dengue” sabi ni Mayor Soriano.

Sa tala ng local na pamahalaan dalawang bata na ang nasawi na may edad  na 5 at 7 anyos.

Lima pa ang nagpapagaling sa ospital.

Mula Enero hanggang Hunyo 2, 2025 ay nasa 29 na ang naitalang kaso ng dengue sa Pakil karamihan ay mga bata.

“Sobrang bilis ng pagshoot up noong kaso ng dengue nitong nakaraang sampung araw “ dagdag ng mayor.

Walong barangay ngayon ang tinututukan ng local na pamahalaan ng Pakil na may mataas na kaso ng dengue.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *