Pinagpapaliwanag ng COMELEC si Atty. Alston Kevin Anarna, kandidatong mayor sa Silang, Cavite dahil umano sa hindi magagandang binitiwang salita sa kampanya noong March 29.
Pinaldahan ng show cause order si Atty. Anarna dahil sa posibleng paglabag sa COMELEC Resolution No. 11116 or the ANTI-DISCRIMINATION AND FAIR CAMPAIGNING GUIDELINES FOR PURPOSES OF THE 12 MAY 2025 NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS AND BARMM PARLIAMENTARY ELECTIONS.



Sa kampanya ni Atty. Anarna kaniyang binanggit ang mga salitang : “Kanina di ko na mabilang kung ilan ang kumurot sa puwet ko. Meron pa kanina si lola. Alam niyo, first time ko nangyari to sa kampanya. Si lola nilaplap pa ako.”
“Sino dito ang mga solo parents? Bakit parang dumami ang solo parents? Kasi lahat ng solo parents bibigyan natin ng libreng asawa. Ang gagawin natin lahat ng balong lalake at lahat ng balong babe iraraffle na lang natin yan ha pasensyahan na lang tayo kung kanino kayo mapupunta kasi pagkabunot ng pangalan niyo derecho kasal kay Mayor Kevin.”
: COMELEC
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa DasmariƱas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong BatangueƱos - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025