Salpukan ng truck at trike sa Real, Quezon; 1 patay, 4 sugatan

Malagim na aksidente sa Real, Quezon kung saan isa ang patay at 4 ang sugatan sa banggaan ng truck at traysikel. Larawan mula kay Erickson Alviar Bautista.

REAL, Quezon – Isa ang iniulat na nasawi at apat  na iba pa ang sugatan kabilang ang isang bata at ang isang sanggol    matapos salpukin ng isang truck ang kasalubong na top down tricycle na sinasakyan ng mga biktima sa National Highway sa Brgy. Capalong, Real, Quezon bandang alas 10:00 ng umaga nitong Huwebes.

Ayon sa report ng Real police,   dumulas ang   truck habang ito ay tumatahak sa basa at  kurbadang bahagi ng kalsada hanggang sa  napapunta sa linya ng kasalubong.

Kapwa hindi na nakaiwas ang dalawang sasakyan at   bumangga ang truck sa   tricycle na sinasakyan ng magkakapamilyang biktima.

Isa ang patay at apat ang sugatan sa banggaan ng truck at traysikel sa Real, Quezon. Larawan mula kay Erickson Alviar Bautista.

 

Agad nagresponde ang mga tauhan ng PNP, BFP at MDRRMO rescuer at hinugot ng mga biktima kasama    ang 28-taong gulang na driver , pati ang dalawa pang babaeng  sakay na may mga edad na   29 taong gulang, isang 57 anyos   at ang dalawang bat

Subalit  idineklarang wala nang buhay  pagdating sa Claro M. Recto Memorial Hospital ang 57-anyos na babae, samantalang ginagamot sa mga natamong  bali at pasa ang apat na kasama.

Ayon sa Real PNP,  gumewang patungo  sa kabilang linya ang trak nang mawalan ng preno sa madulas at basang na aspalto dulot ng masamang lagay ng panahon sa lugar.

Inaresto  ang 55- taong gulang na nagmamaneho ng truck at kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide at multiple physical injuries.

ULAT NI RONILO DAGOS

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *