MANILA – Nahaharap sa panibagong kaso at posibleng diskwalipikasyon sa kaniyang kandidatura si Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky” Luistro dahil sa alegasyon ng vote-buying at pagtawag sa kaniyang kalaban na Abu Sayaff.
Ang Abu Sayaff ay isang grupo ng mga terorista sa Mindanao.
Inihain ni Raneo Abu, dating kinatawan ng 2nd district ng Batangas sa Comelec ang paglabag sa Omnibus Election Code laban kay Luistro.
Sa reklamo ni Abu, sa magkakahiwalay na insidente nang pamamahagi ng AICS ay lagi umaong present si Luistro at nangangampanya pa na isang malinawag na paglabag sa Omnibus election code dahil sa pang aabuso sa state resources.
Nagsumite rin si Abu sa Comelec ng mga video bilang ebidensya na nasa distribution ng aics si Luistro.
Nahaharap din si Luistro sa anti -discrimination and fair campaigning guidelines, ito ay matapos makailang beses na idugtong ng mambabatas ang salitang Sayyaf sa apelido na Abu para maiugnay umano siya sa Abu Sayyaf na isang terrorist group.
Sabi ni Abu nalagay sa peligro ang kaniyang kaligtasan dahil sa pagtawag sa kaniya na Abu Sayyaff sa mga campaign rallies ni Luistro.
Si Abu ay mahigpit na kalaban ni Luistro sa 2nd district ng Batangas.
Noong nakaraang Linggo lamang, isang anonymous complainant din ang naghain ng kaso sa Ombudsman laban kay Luistro na graft, vote-buying ,premature campaigning at misuse of government funds.
Wala pang pahayag si Luistro sa mga panibagong kaso na isinampa sa kaniya.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025