CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Isang malaking tagumpay para sa BJMP – Mimaropa at sa buong sambayanang Pilipino!
Kinilala sa prestihiyosong World Summit on the Information Society (WSIS) 2025 ang Project PAG-ASA: Beyond Bars, na nagbibigay ng digital skills training sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Calapan City District Jail sa Oriental Mindoro.

Sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region IV-B, nagbibigay daan ang nasabing proyekto sa pagtuturo ng computer use, internet basics, at digital safety, tinutulungan ang mga PDLs na makapaghanda para sa muling pagharap sa lipunan—may kasanayan, dignidad, at pag-asa.

Ayon kay Jail Officer 3 Joefrie Anglo, Regional Information Officer ng BJMP MIMAROPA, ang Project PAG-ASA ay sumasalamin sa dedikasyon ng BJMP MIMAROPA na baguhin ang buhay ng mga PDLs sa pamamagitan ng edukasyon at teknolohiya na siyang tulay patungo sa mas maliwanag na hinaharap, at nagpapakita ng mahalagang epekto ng edukasyon at teknolohiya sa rehabilitasyon.

Nangibabaw ang proyekto sa higit isandaang entry sa buong mundo mula sa 18 categories at siyang magrerepresenta sa Pilipinas bilang finalists sa WSIS Champions. Samantalang ang 18 final winners ay iaanunsyo sa July 10, 2025, sa isasagawang WSIS Prizes Awards Ceremony sa Geneva, Switzerland.
Photos courtesy of JO3 Joefrie Anglo, IO-BJMP MIMAROPA
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025