RIZAL, Occidental Mindoro – Ang Philippine Coast Guard Southern Tagalog ay binigyang pagkilala ang 12 mangingisda na unang sumaklolo sa pagtaob ng MV Hong Hai 16 noong Martes Santo ng hapon malapit sa katubigan ng Barangay Rizal, Occidental Mindoro.
Personal na iniabot ni PCG Southern Tagalog District Commander Commo Geronimo Tuvilla ang sertipiko ng pagkilala sa mga mangingisda sa isang seremonya sa munisipyo ng Rizal, Occiental Mindoro na dinaluhan din ni Mayor Sonny Pablo.

Kinilala ng PCG Southern Tagalog ang kabayanihan ng mga mangingisda na hindi nagdalawang isip na sumaklolo sakabila ng perwisyo na idinudulot ng dredging activities sa kanilang kabuhayan.
Ang tumaob na MV Hong Hai 16 ay paalis na sana matapos makapaggarda ng 7,400 cubic mteres ng buhangin nang tumaob ito .


Dahil sa maagap na pagresponde ng mga mangingisda, 8 chinese nationals at 6 na Filipino na mga crew ng dredging vessel ang naisalba nila ang buhay.

Hanggang sa ngayon patuloy ang pagtulong ng mga mangingisda sa pamamagitan ng pagtatawid ng mga otoridad at mga kagamitan patungo sa incident command post sa patloy na search and recovery operations sa dalawa pang nawawalang crew.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025