Palengke ng Sta. Cruz, Laguna, nasunog; 4 sugatan

Nilamon ng apoy ang palengke ng Sta. Cruz, Laguna kaninang umaga.

STA. CRUZ, Laguna – Natupok ang public market ng bayan ng Sta. Cruz, Laguna, Biyernes ng umaga.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection -Sta.Cruz, bandang  5:50 ng umaga nang magsimula ang sunog sa palengke na tatlong kilometro lamang ang layo sa fire station.

Itinaas sa 4th alarm ang sunog bago naideklarang under control bandang 8:23 ng umaga at naideklara naman ang fire out bandang 9:41 ng umaga.

Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng apoy pero sa inisyal na report ay nagsimula ito sa may dry goods area particular sa mga tindahan ng damit at sapatos.

Apat ang naitalang nasugatan sa sunog kabilang ang 1 sibilyan, 2 fire volunteer at isang bumbero mula sa BFP.

Hindi pa mabilang kung ilang tindahan sa palengke ang natupok at kung magkano ang halaga ng pinsala.

Personal na ininspeksyon ni Laguna Governor – Elect Sol Aragones ang nasunog na palengke ng bayan ng Sta. Cruz. Larawan mula sa facebook page ni Sol Aragones

Agad naman nagtungo sa lugar si Laguna Governor -elect Sol Aragones upang alamin ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng sunog at kung ano ang mga tulong na ipagkakaloob.

Inihahanda na ni Laguna Governor – elect Sol Aragones ang mga tulong para sa mga naapektuhan ng sunog sa palengke ng Sta. Cruz. Larawan mula sa facebook page ni Sol Aragones

Umabot sa 16 na fire trucks mula sa BFP at 10 fire trucks mula sa mga fire volunteer group ang rumesponde.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *