ORIENTAL MIINDORO – Ang provincial government ng Oriental Mindoro ay gumagawa na ng mga hakbang para hindi makapasok ang mga nagtatangkang magmina sa kanilang kabundukan .
Nais ni Gov. Humelrito “Bonz” Dolor na magkaroon ng batas para maprotektahan laban sa pagmimina ang dalawang yamang-likas ng Oriental Mindoro, ang Mt. Halcon at ang Aglubang & Ibulo rivers.
Nagimbal ang Oriental Mindoro kasunod ng pagpapawalang bisa ng Korte Suprema sa provincial ordinansa sa 25 taong moratorium sa large scale mining ng kapatid nilang probinsya ng Occidental Mindoro kung saan ay may kahalintulad din silang ordinansa laban sa pagmimina.
Sa desisyon ng SC noong January 14,2025, sinabi nito na ang ordinansa sa moratorium sa large scale mining ng Occidental Mindoro at bayan ng Abra de ilog ay labag sa Republic Act No. 7942 or The Philippine Mining Act of 1995.
Ayon sa SC ang large scale mining at exploration ng mineral resources ay legal sa ilalim ng konstitusyon at RA 7942.
Nag-ugat ang kaso matapos magsampa ng kaso sa korte ang Agusan Petroleum and Mineral Corporation na dapat ay magsasagawa ng pagmimina sa Occidental Mindoro.
Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor , ang kahalintulad nilang ordinansa sa 25 taon moratorium sa large scale mining ay naipasa noon pang 2002 at pinalawig pa ng hanggang 50 taon noong taon 2022 na magtatapos sa 2052.
Pero dahil sa pagbasura ng SC sa ordinansa ng Occidental Mindoro,
nagdulot ito ng pagkaalarma kay Gov. Dolor na maaaring ito rin ang sapitin ng kanilang ordinansa sa mining moratorium.
Hiniling na ni Gov. Dolor sa Sangguniang Panlalawigan para hilingin sa dalawang kinatawan ng Oriental Mindoro sa House of Representatives na sina 1st Dist. Rep. Arnan Panaligan at 2nd Dsitrict Rep. Alfonso Umali Jr na lumikha ng batas para maideklarang national park ang Mt. Halcon at watershed reservations naman ang Aglubang & Ibulo rivers.
Ayon sa gobernador, sa naging desisyon ng Korte Suprema sa mining moratorium sa kapatid nilang probinsya ay nagkaroon pa rin sila ng pag-asa na mapipigil ang pagpasok ng mga mining company kung hindi papayag ang taumbayan.
“Sa ilalim ng sections 26 at 27 ng local government code andoon pa rin ang Karapatan ng pamahalaan ,ito man ay barangay ,bayan ,lungsod o lalawigan sa pamamagitan ng consultation provision na napapaloob doon ,pupuwde pa natin itong harangan ,hindi man sa pamamagitan ng 25 year mining moratorium pero sa pamamagitan ng pagpapasa ng Sangguniang Panlalawigan ng resolution na hindi pumapayag o nagbibigay ng konsento” sabi ni Dolor.
Malinawag aniya sa Philippine Mining Act o 1985 na kailangan may pagpayag ang local sanggunian bago makapagsagawa ng pagmimina sa isang lugar.
Binigyang diin din ng gobernador na nakapaloob sa National Integrated Protection Areas Systems o NIPAS act na ang lahat na deklaradong national parks at watersheds ay ipinagbabawal ang pagmimina.
‘Sapagkat kung ito po ay maaaprubahan sa lalong madaling panahon ,maging isang declared protected watersheds area at national parks hindi na po ito maiibo kailanman,mananatili ang prestine beauty ng ating kabundukan “ sabi ni Dolor.
Pinamamadali na ng gobernador ang paglikha ng batas habang may panahon pa ang Oriental Mindoro.
“Kung hindit po natin ito mamadaliin ay baka ang isunod na pang iasunto ay ang deklarasyon ng nullity ng ating ordinansa sa Oriental Mindoro at dahil may desisyon na sa Occidental Mindoro hindi na sila mahihirapan na i- elevate pa ito sa Korte Suprema dahil sa same nature kaya po lahat ng ways para maiwasan natin ang anumang pagmimina sa ating kabundukan ginagawa natin” sabi pa ng gobernador.
Ang Mt. Halcon na may taas na tinatayang 2,586 meters above sea level ay hindi lamang sa isa sa pinakamataas sa buong Pilipinas kungdi isa rin itong pinakaimportanteng biologically at ecologically significant landscapes sa bansa na tahanan ng Tamaraw na tanging sa Mindoro lamang matatagpuan at ng ibon na Mindoro bleeding heart.
Sa cultural at anthropological perspektibo,ang Mt Halcon ay isang ancestral domain at sagradong Tahanan ng mga Mangyan indigenous people na kanilang tahanan sa mahabang panahon .
Ang Aglubang at Ibulo rivers naman ay importang pinagkukunan ng domestic water supply , at irigasyon sa mga sakahan.
Sa ngayon tanging ang Mt. Baco at Mt. Iglit pa lamang sa Mindoro ang naidedeklarang natural park sa ilalim ng isang batas dahilan para hindi ito puwdeng minahin.
Kung maidedeklarang protected area ang Mt. Halcon at Aglubong & Ibulo Rivers, sabi ni Gov. Dolor, ito na ang tutuldok sa lahat ng banta ng pagmimina sa Oriental Mindoro.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025