CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Nilamon ng apoy ang gusali ng Old Provincial Hospital ng Oriental Mindoro sa Barangay Ilaya kaninang tanghali.
Ayon kay FCINSP Franz Dominique Badong- Casalme, City Fire Chief, nagsimula ang sunog bandang 11:56 ng umaga pero sa ngayon ay under control na ang apoy.
Sabi ni Badong-Casalme, ginawa na lamang bodega ang lumang ospital at maraming nakatambak na mga papel kaya mabilis ang paglaki ng apoy .

Larawan mula sa Calapan CDRRMO.
“mabilis po siyang lumaki since malakas po ang hangin tapos yung mga materials na andito po natin mga gamot, mga syringe tapos mga cartoons “ sabi ni Badong -Casalme.
Itinanggi naman ni Oriental Mindoro Provincial Health Officer Dr. Cielo Ante na may mga gamot na nadamay sa sunog.
Sinabi ni Dr. Ante, na walang nadamay o nasunog na mga gamot sa nasunog na Old Provincial Hospital .
Giit ni Dr. Ante, mayroon silang hiwalay na imbakan ng gamot.

Larawan mula sa Calapan CDRRMO
“Mayroon kaming supplies office .mayroon kaming lalagyan talaga ng gamot na rooms at yun ay doon sa kabilang building , hindi naman kami naabot kasi andoon din ang mismong office ko” sabi ni Dr. Ante.
Paliwanag ng Provincial Health Office, ang mga nakaimbak lamang sa lumang provincial hospital ay mga nagamit ng syringe at mga depektibong toilet bowls.
“wala pong gamot, kahit po ipacheck natin ,ang andoon po ay 19 pieces ng damaged na toilet na ay hindi naming tinanggap mula sa supplier kasi damaged siya tapos yung mga syringes na naka-box, used nay un kasi nagbabakuna…. Auto-disable na syringe pero yun po ay hindi nagamit noon panahon ng Covid dahil hindi siya akma” dagdag pa ni Dr. Ante.
Luma na din ang gusali at nakatakda na talagang gibain ito.
“nilalagyan ng kulay na sinunog daw ,Diyos ko naman, yan po ay for demolition na “ dagdag pa niya.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.
Wala naman naiulat na nasaktan.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025
One thought on “Old Provincial Hospital ng Oriental Mindoro, nasunog; Provincial Health Office, tiniyak na walang mga gamot na nadamay”