Nawawalang pasahero ng barko sa Romblon, natagpuan ang bangkay sa Oriental Mindoro

Natagpuan na palutang-lutang sa dagat sa pagitan ng Romblon at Oriental Mindoro ang bangkay ng isang pasahero ng barko na unang iniulat na nawawala. Larawan mula sa Coast Guard Station - Romblon.

ROMBLON –  Natagpuan na ang  bangkay ng isang pasahero ng barko ng 2Go Shipping Lines na nauna nang iniulat na nawawala.

Ayon sa Coast Guard Sub Station- Concepcion , natagpuan ng isang mangingisda ang palutang-lutang na bangkay ng biktimang si Bayani Gonzales, 77 taong gulang.

Nakita ang bankgay niya sa pagitan ng Romblon at Oriental Mindoro.

Una nang nanawagan sa publiko ang Coast Guard Station -Romblon matapos ireport sa kanila ang pagkawala ni Gonzaels habang sakay ng naglalayag na baerkong MV St. Ignatius Loyola sa may bisinidad ng bayan ng Concepcion.

Hindi pa malinaw ang detalye kung papaano Nawala ang biktima habang sakay ng barko at kung sino ang kaniyang mga kasama.

Nasa isang punerarya na sa Oriental Mindoro ang labi ng biktima.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *