Naglahong magandang kinabukasan: Nasawi sa NAIA car crash, breadwinner ng pamilya

Magdiriwang na sana sa May 29 nang ika-30 kaarawan si Dearick Keo Faustino kung hindi nangyari ang malagim na trahedya sa NAIA Terminal 1.

HAGONOY, Bulacan – Sumisigaw ng katarungan ang pamilya ni  Dearick Keo Faustino na isa sa dalawang nasawi sa  car crash sa entrance ng departure area ng NAIA Terminal 1 noon Linggo ng umaga.

Breadwinner ng pamilya si Faustino na residente ng Barangay Abulalas sa Hagonoy, Bulacan.

Senior Supervisor si Faustino sa isang publishing house at noong Linggo patungo sana siya sa Dubai kasama ang dalawang katrabaho para sana sa series ng meeting sa mga Filipino schools.

12 ng tanghali ang flight nila kaya alas-otso pa lamang ng umaga ay inihatid na sila ng company vehicle sa NAIA Terminal 1.

Habang nagbababa ng mga maleta ang dalawa, si Faustino kumuha ng pushcart pero sa  hindi inaasahan, isang SUV ang humarurot at kasamang nasapol siya.

“Nagkagulo na ,hinanap nila yung kaibigan nila ,yung kasama nila  nakita nila nasa ilalim na ng sasakyan ,nakaipit” kwento ni Fernado Nicolas, tito ni Faustino na  agad tumakbo sa NAIA nang malaman ang  masaklap na balita.

Pero ang ikinakasama ng loob ng pamilya Faustino hindi umano agad nabigyan ng medical attention ang biktima, base sa kwento ng mga kasamahan sa trabaho,

“They were begging for help  for medical assistance kasi  ang kailangan medical attention eh ,nagtataka sila bakit yung mga may minor  injuries ang daming nagkakagulo , ito gumalaw pa  at kumilos ,parang kinulong yung tulong na nakuha nila” sabi ni Nicolas.

“Sana nabigyan man lang  kaagad  medical assistance o medical help  para naisakay, nadala sa ospital  baka kasi nagkaroon ng chance  na mabuhay” dagdag pa niya.

Sa hindi inaasahang pagkasawi ni Faustino,  marami umanong magandang kinabukasan ang pamilya na nawala.

“Nawala yung pag-asa ng pamilya ,yung kinabukasan ng kapatid niya ,yun ang role niya sa family ,tahimik na bata yan ,pinapag-aral niya yung bunso niyang kapatid , yung isa nya kapatid napagtapos na niya ,siya  yung tumutulong sa tatay nya “ sabi pa ni Nicolas.

“Mabigat kasi maraming pangarap si Keo para sa kaniyang pamilya”

Wala pang sariling pamilya si Faustino , na pangalawa sa apat na magkakapatid  na nagsisikap para sa kaniyang ama at mga kapatid.

Noong nakaraang taon napromote siya sa trabaho at kaunting panahon na lamang ay mararating na niya sana ang mataas na posisyon sa kumpanya.

Sa darating na May 29, 2025, ipagdiriwang n asana niya ang kaniyang ika-30 kaarawan.

Desidido ang pamilya Faustino na papanagutin sa batas  drayber ng SUV .

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *