Mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) nakilahok sa Kite Festival sa Naujan

Nakilahok ang ilang Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa BJMP-Naujan District Jail sa ginanap na Saranggolahan sa Naujan kite festival sa Naujan Sports Complex sa Oriental Mindoro. Ayon kay Jail Officer 3 Joefrie Anglo, regional information officer ng BJMP MIMAROPA, bahagi ito ng mga programa ng BJMP para sa rehabilitasyon at reintegrasyon ng mga PDL, na layuning itaguyod ang pagkamalikhain, pagtutulungan, at paghahanda sa kanilang muling pakikipag-ugnayan sa komunidad. Nasungkit ng BJMP-Naujan District Jail ang Best Design award sa Synchronized Kite Category, matapos talunin ang 16 na iba pang kalahok. (šŸ“·: JO3 Joefrie Anglo, IO-BJMP Mimaropa)
Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *