BATANGAS CITY – Patuloy ang pagdating ng tulong sa mga pamilyang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Sitio Badjaoan sa Barangay Malitam.
Linggo ng gabi nang sumiklab ang sunog Badjao community na tumagal hanggang Lunes ng madaling araw.
Personal din na nagtungo sa pinangyarihan ng sunog sina Mayor Beverly Dimacuha at Cong. Marvey Mariño bitbit ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nasunugan.

Patuloy din na nakaalalay ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at City Disaster Risk Reduction and Management Office ( CDRRMO).
Nagsagawa rin ng assessment ang CSWDO at CDRRMO upang malaman ang mga tulong na kakailanganin pa ng mga naging biktima ng sunog.

Ayon sa imbestigasyon ng BFP- Batangas City, mabilis kumalat ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa light materials.

Larawan mula sa Palakat Batangas City/ PIO
Sinabi ni Barangay Malitam Chairman Mamerto Marasigan, patuloy ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan ahensya ng gobyerno upang matulungan at sisiguraduhing makakatanggap ng tulong ang mga apektadong pamilya.
Mula sa ulat ng Palakat Batangas City / Public Information Office
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025