QUEZON CITY – Pumanaw na ang dating mayor ng bayan ng San Jose, Occidental Mindoro na humamon noon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na magsalita laban sa China matapos ang insidente ng pagbangga ng isang Chinese fishing vessel sa bangkang pangisda ng mga Filipino sa West Philippine Sea noong 2019.
Inanunshyo ni dating board member Michelle Festin -Rivera na pumanaw ang kaniyang ama na si Romulo “Muloy” Festin noong Biyernes sa Philippine Heart Center sa Quezon City bandang 12:43 ng tanghali.
Noon pang Pebrero 16,2025 nakaratay sa ospital ang 75 taong gulang na dating mayor.
Nitong nagdaang halalan, nakapagfile pa siya ng kanidatura para sa pagtakbo muling mayor pero hindi na siya nakapangampanya matapos maopsital.
Noong June 9, 2019, naging kontorbersyal si Festin matapos sabihin sa isang interview na dapat ay magkaroon ng muscle si Duterte laban sa China.
Matatandaan na binangga hanggang lumubog at inabandona pa ng isang Chinese fishing vessel ang F/B Gem-Ver 1 ng 22 Filipino mangingisda sa may Recto Bank sa West Philippine Sea na muntik na nilang ikamatay.
Pawang mga residente ng bayan ng San Jose ang mga mangingisdang binanggang ng Chinese fishing vessel.
Nagtapos ang termino ni Festin noon 2022.
Unan siyang pumasok sa pulitika bilang board member ng Occidental Mindoro noong 1988.
Nagsilbing vice mayor ng San Jose noon 1998 at naging mayor noon 2004 hanggang 2010 at 2013 hanggang 2022.
Nakalagak ang kaniyang labi sa Loyola Chapels and Crematorium sa EDSA, Guadalipe sa Makati City bago iuuwi sa San Jose, Occidental Mindoro kung saan siya bibigyan ng luksang parangal.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025