LOBO, Batangas – May katarungan sa lahat ng bagay.
Ito ang naging pahayag ni dating 2nd District Rep. Raneo Abu matapos pormal nang makabalik sa kaniyang pwesto si Lota Manalo bilang mayor ng bayang ito kasunod ng utos ng Court of Appeals matapos ang illegal umanong pagpapatalsik sa kaniya ng Ombudsman.
“talagang malaki pa rin ang sampalataya natin sa hustisya ng ating gobyerno and I hope na ang hustisyang yan ay maging pare-parehas sa lahat at makamtan ng mga kasamahan din ni Mayor Lota na ngayon ay mga nagdurusa” sabi ni Abu.
“Itong araw na ito ay araw ito ni Mayor Lota, araw ito ng buong sambayanan ng bayan ng Lobo at nakakatuwa ang nangyayaring ito” dagdag pa niya.
Ayon kay Abu, karapat-dapat para kay Manalo na ilang araw bago ang halalan ay napatunayan niya sa mga taga-Lobo na ang lahat ng ikinaso sa alkalde ay mali.
“yan ang pinakamaganda sa lahat , nalinis mo ang pangalan mo, hindi lang ang pangalan mo kungdi ang pangalan ng namayapang Vice Mayor Jurly ,nalinis mo sa pamamagitan ng lumabas na desisyon ng Court of Appeals at magpapatunay ay ang reinstatement mo ngayon bilang mayor ulit ng bayan ng Lobo” dagdag ni Abu.
Sa naging desisyon ng Court of Appeals, binaligtad nito ang hatol ng Ombudsman kay Manalo dahil wala umanong mali isa mga ginawa ng alkalde mula sa mga kasong isinampa ng isang construction company.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025