Manalo, balik-mayor ng Lobo, Batangas

LOBO, Batangas – Nakabalik  bilang mayor ng Lobo, Batangas si Lota Manalo, anim na buwan matapos siyang patalsikin ng Ombudsman dahil sa mga kasong grave misconduct, gross neglect of duty at violation of ease of doing business na isinampa ng isang construction company.

PANALO SI MANALO: Nanumpa si Lota Manalo kay DILG Regional Direcctor Ariel Iglesia sa kaniyang pagbabalik bilang mayor ng Lobo, Batangas.

Binaligtad ng Court of Appeals noong Febrruary 27,2025 ang hatol ng Ombudsman at pinababalik bilang alkalde ng Lobo si Manalo.

Pero naantala ang pagpapatupad nito matapos maghain ng motion for reconsideration ang naghain ng reklamo.

Ngunit sa inilabas na resolusyon ng Court of Appeals nitong April 11,2025, ibinasura ang motion for reconsideration.

Kinamayan ni DILG Regional Director Ariel Iglesia si Lota Manalo matapos manumpa bilang mayor ng Lobo, Batangas.

Ayon sa CA, ang mga argumenting inilahad ng complainant ay pawang paulit-ulit lamang ng mga isyung naresolba na.

Dagdag pa ng CA ,sayang lamang ang mahalagang oras ng hukuman kung muling babalikan ang mga bagay na naresolba na.

“Ito po ay katibayan para sa panalo natin  para sa ating laban  para sa bayan natin ,para sa minamahal nating bayan, finally nakuha din natin ,ang tagal-tagal natin hinintay “ sabi ni Mayor Manalo.

Dahil dito, iniutos ng CA na ibalik agad si Manalo sa kaniyang dating posisyon bilang mayor  na hindi nawawala ang kaniyang karapatang  may kinalaman sa seniority, bayaran ang mga back wages at lahat ng benepisyong  dapat sana’y natanggap niya kung hindi siya iligal na tinanggal bilang mayor alinsunod sa rules on administrative cases ng Civil Service.

Bandang alas-4:00 ng hapon nang magtungo si Manalo sa municipal building at agad siyang nanumpa kay DILG Regional Director Ariel Iglesia bilang mayor muli ng Lobo, Batangas 18 araw bago ang muling halalan.

“Maraming, maraming salamt po na hindi ninyo ako iniwan” sabi ni Manalo.

Tahimik naman tinanggap ni Geronimo Alfiler ang inihaing order ng DILG at babalik siya bilang vice mayor .

“Dapat hindi po siyang manghaharang ng anong klaseng proyekto at program ana makakatulong sa ating bayan at inaasahan ko po ang kaniyang full cooperation  “ sabi pa ni Manalo.

Sa darating na halalan maglalaban sa pagka-mayor ng Lobo sina Manalo at Alfiler.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *