Mag-asawang Villas at 4 na natalong konsehal sa Bulalacao,Oriental Mindoro, nagsampa ng election protest , recount ng mga boto, hiniling

Ang mga talunang Team Tatak Villas ng Bulalacao, Oriental Mindoro na natalo at naghain ng eleciton protest.

ORIENTAL MINDORO – Naghain ng election protest  si incumbent Bulalacao Mayor Ernilo Villas, kaniyang asawa at apat na kandidatong konsehal na mga natalo sa nagdaang May 12 elections laban sa buong team na mga nagwagi

Inihain ang election protest sa Regional Trial Court Branch 42 sa Roxas, Oriental Mindoro kung saan hiniling na magsagawa ng recount sa mga boto.

Inihahain ang election protest sa Regional Trial Court kung ang nagpoprotesta ay mula sa isang munisipalidad, sa Comelec naman inihahain ang election protest kung ito ay mula sa lungsod o probinsya habang ang mga representative o kongresista ay sa House Electoral Tribunal at kung senador naman ay sa Senate Electoral Tribunal.

Sa protestang inihain ng natalong kandidatong mayor na si Edna Villas  kiuweston niya ang  5,222 boto na naging lamang sa knaiya ng nakalaban niya at  nagwaging mayor  na si Lumel LG Caragay.

14, 695 boto  ang nakuha ni Caragay habang  9, 473 boto lamang ang kay Villas.

Nagsampa rin ng election protest si Mayor Villas na tumakbong vice mayor at natalo laban kay German Acosta .

2,754 boto ang naging lamang ni Acosta laban kay Villas.

Si Acosta ay nakakuha ng boto na 13,363 habang si Villas ay 10,609 boto lamang.

Kasama rin sa sinampahan ng election protest ang walong nanalong konsehal o mga miyembro ng Sangguniang  Bayan na sina Guillermo Salas Jr, Moses Osorio, Ramon Magbanua, Joejie Narciso, Romeo Fallara, Kap Roger Evangelio, Jerus Reyes at Nestor Eguillon.

Ang mga nagsampa ng protesta ay ang apat na natalong kandidatong konsehal sa grupo ni Villas na sina Jess Sapungan,Dennis Faner, Keiven Cantos at Salvador Magalay.

Pinagbasehan ng election protest ng grupo ng mga Villas ang nangyari umanong vote buying , sistematikong vote padding at vote shaving para umano bawasan ang boto ng mga Villas at ang paggamit umano ng Comelec ng hindi umano awtoridado at hindi nasertpikahan na software na nagresulta sa kahina-hinalang resulta ng boto.

Kabilang sa ipinoprotesta at muling pinapabilang ang resulta ng boto ay mula sa 21 clustered precints ng Bulalacao.

Ang mga naghain ng election protest ay mga kandidato ng partido na Galing at Serbisro Para sa Mindoreño.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *