BATANGAS – Naaresto na ng mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon ang mag-asawa na may -ari ng kumpanya at secretary nila na nasa likod umano ng isa pinakamalaking investment scam sa Batangas na aabot bilyong-bilyong piso ang halaga.
Unang naaresto ng Alitagtag Municipal Police Station sa kaniyang inuupahang bahay sa Barangay Poblacion 2, Balayan, Batangas ang secretary ng kumpanya na si Apply Joy Templo, 29 anyos.
Siya ay rank number 5 sa provincial level sa most wanted person ng Batangas sa kasong syndicated estafa base sa warrant of arrest na iniisyu ni Regional Trial Court Branch 253 ng Las Pinas City.
Sa bisa rin ng warrant of arrest sa nasabing korte,
Natunton at naaresto naman ng Cuenca Municipal Police Station sa Calintaan, Occidental Mindoro si Ronald Rivera, 34 anyos na umanoy president at CEO ng kumpanya at ang kaniyang asawa na si Shielan Criscel Rivera, 34 anyos.
Ayon kay PMaj. Charlie Reyes, hepe ng Cuenca Municipal Police Station , agad nilang minonitor ang lokasyon ng mag-asawa matapos makumpirma na may warrant of arrest ang mga ito.
Nakapagtayo pa ang mag-asawa ng batching plant sa Occidental Mindoro sa kabila ng may mga reklamo na sa kanila ng panloloko mula sa mga nag-invest sa kanilang Negosyo na batching plant sa Batangas.
“Secluded yung area and the same time ginagawa na nilang office sa araw” sabi ni Maj. Reyes.
“Nag-open pa sila ng isang batching plant doon last month so yung ang minomonitor naming simula ng naging active sila sa Occidental Mindoro “ dagdag pa niya.
Taong 2023 nang magtungo at humigi ng tulong sa Department of Justice ang ilan sa mga naging biktima ng mag-asawa.
Marami sa mga biktima ay mga taga Batangas particular sa Lipa at Cuenca kung saan umaabot sa hanggang daan-daang milyong piso ang nakulimbat sa kanila.
May mga naging biktima rin umano ang mag-asawa sa Metro Manila hanggang sa Northern Luzon.
“base po sa isang biktima na kausap ko, nag-invest sila sa batching plants, supplier ng mga aggregates ,isang councilor ng bayan at yung iba ay mga businessman dito sa Cuenca at Lipa” sabi pa ni Reyes.
Taong 2021 nang magsimula umanong manghikayat ang kumpanya ng mag-asawa na mag-lagak ng puhunan sa kanila sa pangakong halos doble ang maibabalik na kita sa loob lamang ng maiksing panahon.
Sinasabi umano ng mag-asawa sa mga investors na marami ang order sa kanilan na mga aggregates at mabilis na maibabalik ang pera.
Para patunayan na lehitimo ang Negosyo ay itinour pa umano ng mga akusado ang mga investors sa kanilang planta.
“Yung batching plant po ay isang plant basically na nagpoprocess po ng mga raw materials and components po para sa semento ,ang sand and cement industry po sa ating bansa ay napakalaki dahil yan po ay basic component ng ating mga infrastructures so yun po ang ginamit nila and infact ang isa sa mga akusado ay part or rather I believe shareholder ng isang batching plant which give them appearance of legitimacy “ sabi ni Atty. Francis Sabili, legal counsel ng ilang sa mga biktima.
“Ito po ating mga akusado ay nagpepresent po ng mga documents na mayroong appearance ng purchase of legitimacy katulad po ng mga purchase request at purchase orders ,
Sa pamamagitan po ng mga purchase orders na ito sir ay nacoconvince po ang mga biktima na magbigay ng pera in exchange for the promise of the return of the investments “ dagdag pa ni Atty. Sabili.
Dahil sa laki ng pangako na balik na pera sa kanilang ipinuhuhan, marami ang naglagak ng kanilang milyong milyong piso na halaga ng pera.
“in 7 to 10 days average ng halagang kung magbibigay ka sa akin ng 500,000 makakabalik ng 800,000 to 1 million, minimum at least double po , tapos syempre maeenganyo ang ating ordinary citizen dahil syempre nababayaran for very little work, tapos yun babalikan ka ng isa pa, kung 1 million sige I’ll make it fullfill 2 million naman” paliwanag pa ni Atty. Sabili sa istilo ng investment scam ng mag-asawa.
Pero matapos umano ang ilang transaction ay hindi na maibalik ng mag-asawa ang pera at hindi naglaho na rin ang dapat kikitain dahil tumalbog na ang mga cheque na iniisyu sa mga investors.
Kung pagsasama-samahin ang lahat ng pera na nailagak ng mga biktima ay tinatayang aabot ito sa 5 billion pesos.
“according sa aking own examanations, yes meron pong finding na umaabot na po sa ganiyang value yan and ang nakakabahala po dito ay the value came from the statement and documents produced by the accused, dumati ng po sa kapanahunan na narami na po ang naghahabol” sabi pa ni Atty. Sabili.
Ang batching plant ng mag-asawa ay may mga proyekto umano ngayon sa Occidental Mindoro.
Tumangging magbigaya ng pahayag sa News Team ang mga suspek.
Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanilang paglaya.
Pinaghahanap pa ang tatlo pang mga suspek na pawang mga kamag-anak din ng mag-asawang Rivera.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025