Luistro, napanatili bilang kongresista ng Batangas 2nd district

Magpapatuloy sa ikalawang termino si Congresswoman Jinky Luistro sa 2nd district ng Batangas

BATANGAS – Si  Jinky Luistro pa rin ang mananatiling  kinatawan ng second district ng Batangas matapos na talunin ang dating kongresista na si Raneo Abu.

Naiproklama na si Rep. Luistro  para sa kaniyang ikalawang termino matapos makakuha ng boto na  109, 478 laban kay Abu na may boto lamang na 66,583.

“ my victory today  is a testament to  whay I did  during my last term  ,rest assured  lalo ko pong sisipagan, lalo ko po gagalingan , I’m truly grateful with the trust and opportunity  that you continue to give me “ sabi ni Luistro.

Nakilala si Luistro sa matapang niyang  pagtatanong sa imbestigasyon ng Quad Committee ng House of Representatives na nag-iimbestiga sa extra judicial killings, war on drugs at POGO operations ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinanggap na ni Abu ang pagkatalo kay Luistro.

Pero may hamon siya kay Luistro.

“tama na yung ginagawa mo panggigipit sa mga kakampi ko sa pulitika, iaabot mo ang kamay ng reconciliation  kung gusto mo magkaroon tayo ng katahimikan ,kapayapaan dito , nasasaiyo, ikaw ang manguna, ikaw ang ina  ng segunda distrito” sabi ni Abu.

Binubuo ang second district ng mga bayan ng Lobo, San Pascual, Bauan, San Luis, Mabini at Tingloy.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *