Nasugbu, Balayan at Lemery, isusulong na gawing lungsod
BATANGAS – Ang 32 anyos na anak ni Sen. Loren Legarda na si Leandro Leviste ang bagong kinatawan ng 1st district ng Batangas matapos talunin sa isang landslide votes ang incumbent representative na si Eric Buhain.
Naiproklama na ng Batangas provincial board of canvassers si Leviste kung saan dumalo ang kaniyang ina.
Tutukan ni Leviste bilang kongresista ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng unang distrito na itinuturing na pinakamahirap na lugar sa Batangas.
Isusulong niya na maging lungdos ang mga bayan ng Nasugbu, Balayan at Lemery.
“Para ang taxes collected sa Nasugbu, Balayan at Lemery ay pwdeng manatili na lamang at mas lalaki po ang suporta para sa mga social programs sa unang distrito ng Batangas” sabi ni Leviste.
Magbibigay din ng educational assistance si Leviste.
Leviste na youngest self-made billionare ng bansa ay siya ring founder and CEO ng Solar Philippines.
Nakakuha ng 268,764 boto si Leviste laban kay Buhain na mayroon lamang natanggap na boto na 91,588.
Samantala, nabigo naman si incumbent Vice Governor Mark Leviste na makuha ang pagiging kinatawan ng third district ng Batangas.
Tinalo siya ni Atty. King Collantes na may botong natanggap na 244,340 .
143, 751 lamang ang boto na nakuha ni Leviste.
Papalitan ni Collantes ang kaniyang ina na si Ma. Theresa Collantes na magtatapos na ang termino.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025