ANTIPOLO CITY – Sumakabilang buhay na ang radio broadcaster na si Michael Rogas na nakilala matapos makapanayam ang hostake taker na si Police Captain Rolando Mendoza sa kasagsagan ng Manila Hostage crisis sa mga Hongkong tourist na lulan ng bus sa Quirino Grandstand 14 taon na ang nakararaan.
Ayon kay Arjean Gonzaga, live in partner ni Rogas, Sumakabilang buhay ang radio reporter noong madaling araw ng Huwebes sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Siya ay 44 na taong gulang at reporter/ anchor ng Radyo Pilipinas.
Siya rin ang may-ari ng radio station na Yantok 90.1 FM sa San Jose, Occidental Mindoro.
Kandidato para sa municipal councilor ng bayan ng San Jose, Occidental Mindoro si Rigas at matapos niyang magsalita at sumayaw sa miting de avance ay bigla na lamang itong nagcollapsed.
Una siyang itinakbo sa isang opsital sa Calapan City bago inilipat sa East Avenue Medical Center.
Si Rogas na noon ay radio broadcaster ng RMN DZXL ang nakainterview ng live sa radio sa pamamagitan ng cellphone sa hostage taker na si Mendoza na noon ay hostage sa loob ng isang tourist bus ang mga turista mula sa Hongkong noong August 23,2010.
Naging kontrobersyal ang naturang panayam dahil nahirapan ang mga police negotiator na macontact si Mendoza dahil naging busy ang telepono nito na noon oras na yun ay iniinterview ni Rogas ng live sa radio station.
Walong turista ang nasawi at habang 7 turista ang malubhang nasugatan.
Napatay din ng mga pulis ang hostage taker.
Nakalagak ang labi ni Rogas sa St. Peter Chapels sa Antipolo City at nakaktakdang iuwi sa San Jose, Occidental Mindoro sa Lunes bago ihatid sa huling hantungan sa bayan ng Calintaan.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025