MAUBAN, Quezon – Arestado ng mga pulis ang isang 49 na taong gulang na construction worker matapos tangkaing sunugin ang simbahan ng Iglesian Ni Cristo na kaniyang hinagisan ng improvided explosive device sa Barangay Soledad, Mauban, Quezon, nitong Lunes ng umaga.
Ayon kay PMaj. Arjon Oxina, acting chief of Police ng Mauban Municipal Police Station, bigla na lamang umanong sumugod sa INC church ang suspek bitbit ang tatlong bote ng Molotov cocktail.
Sinubukan poa siyang pigilan ng mga miyembro ng simbahan pero hindi nila kinaya ang suspek.
Sinira umano ng suspek ang bintanang jalousie ng simbahan at doon inihagis ang pampasabog na lumikha ng apoy sa loob ng simbahan.
Mabilis naman napatay ng mga miyembro ng INC ang apoy an lumikha ng pinsala na tinatayang nasa 50,000 pesos ang halaga.
Bago tumakas ang suspek, nagbanta pa ito na babalik at muling susunugin ang simbahan.
Makalipas ang isang oras, naaresto ng mga pulis sa follow up operation ang suspek sa sa Barangay Sadsaran.
Ayon kay Maj. Oxina, sa kanilang interogasyon sa suspek, wala itong maibigay na motibo sa tangkang pagsunog sa simbahan ng INC.
“Bigla na lang daw niya naisip ,hindi naman siya lasing but sa interview namin sa kaniya , ano siya sir ,gumagamit siya ng illegal drugs “ sabi ni Maj. Oxina.
Nag-iimbestiga pa ang mga pulis para matukoy kung may iba pang motibo ang suspek.
Kinasuhan na rin ang suspek ng arson pero inaalam pa kung ano pa ang iba pang kaso na pwedeng isampa laban sa kaniya.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025