Higit 60 Bahay ng mga Badjao, nasunog sa Batangas City

Halos 100 pamilya na mga Badjao ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa kanilang komunidad sa Brgy. Malitam, Batangas City. Larawan mula sa Batangas City Fire Station.

BATANGAS CITY – Halos 100 pamilya ng mga katutubong Badjao ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab  bago maghatinggabi nitong Linggo sa Sitio Badjaoan sa Barangay Malitam, Batangas City.

Ayon sa Batangas City Fire Station ,nagsimula ang sunog bandang 11:38 ng gabi nitong Linggo at naapula bandang 2:15 ng madaling araw ng Lunes.

Batay sa inisyal na report ng Batangas City Social Welfare Office, nasa 66 bahay na pawang gawa sa mga light materials ang natupok sa sunog.

Nasa tabing dagat ang mga bahay ng Badjao na nasunog kaya malakas ang hangin na nagpabilis sa pagkalat ng apoy.

Wala naman nasaktan sa nangyaring sunog at patuloy pang iniimbestigahan ang pinagmulan nito.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *