Gen. Nakar Municipal Building, nagtamo ng bitak sa lindol

General Nakar Municipal Building

QUEZON PROVINCE – Nagtamo ng pinsala ang gusali ng munisipyo ng General Nakar sa Quezon Province matapos tumama ang magnitude 4.6 na lindol kaninang alas 12:17 ng tanghali.

Sa video na ibinihagi ng Municipal Information Office, makikita ang mga mahahabang bitak sa pader ng mga tanggapan sa municipal hall building.

Kabilang sa mga nagtamo ng pinsala ang tanggapan ng Municipal Information Office, Municipal Environment and Natural Resources Office, Human Resource Office, Municipal Civil Registrar Office at Municipal Planning and Development Coordinating Office.

Ayon kay Erberto Astrera, head ng MDRRMO, intensity 4 ang naramdaman sa General Nakar na sentro ng lindol.

Pinapasuri na rin ng MDRRMO sa Municipal Engineering Office ang mga gusali para matiyak kung may mga pinsala itong tinamo.

“may pakikipag-ugnayan po tayo sa municipal engineer natin para machek po yung ating municipal building at ito pong building natin na malalaki kung may mga damage po tayo” sabi  ni Astrera.

Sa CCTV footage na ipinadala sa TBST News ng Municipal Information Office, makikita ang paglikas ng mga empleyado ng munisipyo matapos ang pagyanig na naramdaman.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *