NAIC, Cavite – Patay ang election leader ng nanalong mayor ng bayan ng Naic, Cavite matapos pagbabarilin habang papalabas ng kaniyang sasakyan, Sabado ng hapon sa Barangay Sabang.
Sa ulat ng Naic Municipal Police Station, ang biktima ay nakilalang si Shackie Denajiba, 48 taong gulang na residente ng Ciudad Nuevo sa nasabing barangay.
Nangyari ang krimen bandang ala-singko ng hapon, habang papalabas ng kaniyang sasakyan ang biktima nang pagbabarilin siya ng isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Dalawa umano ang suspek na tumakas patungo sa direksyon ng Trece Martirez City sakay ng scooter.
Ang isa umano sa mga suspek ay nakasuot ng asul na jacket, kulay abong t-shirt, maong pants, at puting sombrero.
Ang biktima ay isa sa election leader ni Mayor-elect Rommel Magbitang.
Ayon sa Naic Police, patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang.
Pero ayon sa Naic Police, hindi pa nararapat na iugnay ang krimen sa katatapos lamang na halalan.
Hanggat wala pa umanong resulta ang imbestigasyon ay mga pag-uugnay nito sa halalan ay maituturing na ispekulasyon at maaaring magdulot ng maling impormasyon sa publiko.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025