MANILA – Umatras ang apat na naghain ng petisyon para ma-disqualify sa pagtakbo sa halalan sina Laguna Gov. Ramil Hernandez at asawa na si Congresswoma Ruth Hernandez dahil sa umano sa vote-buying.
Noong May 2 lamang naghain ng petisyon ang apat pero nitong Lunes, May 4, 2025 ay binawi na nila ang petisyon sa Comelec dahil umano sa mga ginamit lamang sila at peke ang kanilang pirma.
“Peke ang pirma nila doon. Peke ang pirma nila, wala silang pinipirmahang anumang dokumento, sinumpaang salaysay, verification, doon sa petition of disqualification against Governor Ramil Hernandez and Congresswoman Hernandez,” sabi ni Atty. Kenneth Beo, abogado ng apat.
Bagamat, umatras ang apat sa kanilang petisyon, may isa pang natitirang petition for disqualification case ang mag-asawang Hernandez dahil rin sa alegasyon ng vote-buying at abuse of state resources na naunang inihain naman ng isang Celito Baron.
Tumatakbong congressman ng 2nd district ng Laguna si Gov. Hernandez habang gobernadora naman ang tinatakbuhan ng kaniyang asawa.
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025
- Passenger Ship and Fishing Vessel Collide Near Lucena City Pier - July 7, 2025