SAN PASCUAL, Batangas – Hindi natitinag si Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Britics” Luistro sa patong-patong na kaso na inihain sa kaniya sa Ombudsman kabilang na ang vote-buying at misuse of government funds.
Idinaan pa niya sa pagsayaw ang pagsagot sa tanong ng media.
“Chill lang, relax lang, kayang-kayang kaya ni Britics yan” sabi ni Luisto ng makapanayam ng media sa isang campaign rally sa Barangay Padre Castillo, San Pascual, Batangas.
Ang kaso ay inihain ng isang anonymous complainant.
Kabilang pa sa mga isinampang kaso ay ang graft at pre-mature campaigning.
Tiwala si Luistro na mababasura kaagad ang reklamo dahil sa kakulangan ng mga matitibay na ebidensya.
“totally unfounded, walang detalye, walang ebidensya ,parang chopsuey pinaghalo-halo sa iisang sangkap na lamang, that warrant outright dismissal “ dagdag ng mambabatas.
Nanindigan si Luistro na wala siyang nilalabag na batas na may kinalaman sa halalan.
Ilan sa naging batayan ng reklamong isinampa sa Ombudsman laban sa kinatawan ng second district ng Batangas ay may kinalaman sa pamimigay ng ayuda gaya ng AICS, TUPAD, AKAP at mga scholarships sa panahon umano ng campaign period.
“Ito pong mga ayudang ito long before the campaign period ay iniimplement nationwide , I appreciated it so much sapagkat malaki ang naitutulong sa ating mga kababayan ,and I hope hindi ito nabibigyan ng kulay dahil ito po ang kailangang-kailangan ng ating mga kababayan” sabi ni Luistro.
“I did not violate any provision of the election code” dagdag pa niya.
Tiwala si Luistro na siya pa rin ang ihahalal ng taumbayan na kongresista ng ikalawang distrito ng Batangas .
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025