COMELEC at mga pulis, napasugod sa isang warehouse sa Calamba para imbestigahan ang vote-buying

Orientation at seminar umano ng mga poll watchers ang nagaganap sa warehouse at walang vote-buying. Larawan mula sa Comelec Calamba

LAGUNA – Napasugod si Calamba Comelec Officer Atty. Marx Nicholai Delmo kasama ang mga pulis noong Lunes sa warehouse na pagmamay-ari ni Gov. Ramil Hernandez sa Brgy. Bubuyan, Calamba City, Laguna para imbestigaham ang natanggap na report ng vote-buying doon.

Ayon kay Atty. Delmo, ang natanggap nilang sumbong ay hinahakot ang mga taga-Cabuyao at binibigyan ng ₱2,000.

https://www.facebook.com/share/v/1AtmDKzn5x

Sa loob ng compound, natagpuan din ang napakaraming mga bus na nakaparada.

Tinataya umanong nasa higit 500 katao ang nasa loob mg warehouse ng dumating ang mga otoridad.

Muling binalikan ng mga pulis ang warehouse noong Martes at noong Miyerkoles ay muling nagtungo doon ang Comelec kung saan pare-parehas na eksena ang inabutan nila.

Ayon kay Atty. Delmo, paliwanag sa kanila orientation ng mga poll watchers ang ginagawa doon.

Bagama’t ayon sa Comelec ay wala silang inabutan na actual na namimigay ng pera,

nagtataka sila kung bakit kailangan pang dalhin sa Calamba ang mga poll watchers na mga taga-Cabuyao para doon isagawa ang orientation o seminar.

Nagtataka din ang Comelec dahil kung orientation o seminar yun ng mga poll watchers ay sobra-sobra na umano ito para sa bilang ng pinapayagan lamang ng Comelec.

Ipinasa na ng Comelec Calamba sa Provincial Comelec Office ng Laguna ang kanilang report.

Hinikayat ni Atty. Delmo ang mga may reklamo na formal na magsampa ng kaso.

Tumanggi naman magbigay ng panayam ang kampo ni Gov. Hernandez pero sa ipinadalang mensahe ng kaniyang staff ay iginiit nito na seminar at orientation lamang ito ng kanilang poll watchers.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *