QUEZON PROVINCE – Iniulat ng Philippine Coconut Authority o PCA na umaabot n sa higit 500,000 puno ng niyog ang tinamaan ng pesteng cocolisap sa siyam na rehiyon sa buong bansa.
Ang cocolisap o coconut scale insect (CSI) ay isa itong maliit na insekto na kulay puti o brown na kadalasan makikita na nakakapit sa ilalim ng dahon ng niyog.
Ayon kay PCA administrator Dexter Buted gumagawa na ng mga hakbang ang kanilang ahensya upang masugpo ang pamemeste ng cocolisap.
Kabilang sa pamamaraan na ginagawa ng PCA ay ang pagpuputol sa mga puno ng niyog na apektado na ng cocolisap.
“Alam mo kapag pinutol yan tapos ibinilad sa araw , nakakatulong yun,nakakabawas, namamatay ulit sila at ito ay para makontrol ang pagkalat sa mga hindi apektadong puno” sabi ni Buted.
“Kasabay nito ang paggamit ng biological control agents at iba pang organic pesticides tulad ng mga pesticides organic solutions” dagdag pa niya.
Ayon kay Buted, apektado na ng pamemeste ng cocolisap ang mga taniman ng niyog sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Soccsksargen at Caraga.
May naitala na rin pamemeste ng cocolisap sa Barangay Pandan sa Real, Quezon kung saan 1,000 puno ng niyog ang apektado haban sa Brgy. Don Juan Vercelos sa bayan ng San Francisco, Quezon ay nasa 800 puno na rin ng niyog ang apektado.
“Recurring ito lalo na kapag every mainit ang panahon ,summer talagang doon nagmumultiply ang ating mga cocolisap,minsan lumilipat sa ibang region “ sabi pa ni Buted.
Kung hindi maagapan ang pagkalat ng cocolisap sa mga puno ng niyog naniniwala si Buted na malaki ang magiging epekto nito sa produksyon ng niyog at malaki ang magiging impact nito sa industry ng niyog.
“Sinisipsip yung nutrient ng ating puno kaya lumiliit yung kaniyang produksyon ,sinisipsip yung katas ng dahon, nagdudulot ng paninilaw ,pagkulubot at pagkatuyo ng dahon ,ibig sabihin humihina ang puno at bumababa ang kakayahan ng magkaroong ng maraming bunga so yun ang problema natin dito” sabi ni Buted
“Napakalakas pa naman ngayon ng niyog sa world market, talagang makikita mo ang pagbulusok ng ating kopra “ dagdag pa niya.
Noong 2011 unang naiulat ang pamemeste ng cocolisap sa Batangas na kumalat sa buong Calabarzon at iba pang parte ng bansa kung saan libong puno ng niyog ang namatay.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025