SABLAYAN, Occidental Mindoro- Kakaibang kasalan ng mga katutubong Mangyan ang naganap sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong Martes ng hapon nagpapakita ng pagtatanim ng pag-ibig at pagmamahal sa kalikasan.
Ang wedding venue sa mismong kagubatan sa Sitio Makambang, Brgy. Poblacion.
18 pares ng mga Mangyan mula sa tribung Alangan ang sabay-sabay na pinag-isang dibdib sa Civil tribal mass wedding sa ilalim ng mga puno ng mahogany kasabay ng pagdiriwang ng Earth Day.
Hindi lamang umano simbolo ng matatag na pagmamahalan ng magkapareha ang kanilang pag-iisang pagpapakasal dahil sumasagisag din ito mg pagmamahal sa kalikasan.
Mismong si Mayor Bong Marquez ang nagkasal sa mga Mangyan sa gitna ng kagubatan.
Ang seremonya ay tugon sa kahilingan ng mga katutubo na gawing legal ang kanilang pagsasama, alinsunod sa pagkilala sa kanilang karapatan bilang mga kapwa mamamayan.
Bago ang kasalan, nagtanim ng mga punong Narra ang bawat magkapareha, bilang pagsunod sa ordinansa ng bayan na nag-uutos ng pagtatanim ng puno bilang bahagi ng mga kasalang sibil.
Bukod sa pagbibigay ng legal na pagkilala sa mga magkasintahan, layunin din ng aktibidad na itaguyod ang adbokasiya sa pangangalaga ng kalikasan at pagtutulungan ng buong komunidad tungo sa isang mas luntiang kinabukasan.
- Trike drayber, timbog sa Php 4M shabu sa Dasmariñas City - June 4, 2025
- Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños - June 4, 2025
- Araw ng Pagluluksa, idineklara sa Calatagan, Batangas para sa tatlong pinatay sa Maguindanao Del Sur; Isa sa mga biktima, ililibing ngayong Huwebes - June 4, 2025