CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Nahaharap sa disqualification case ang mga kandidato ng Team Tama ng lungsod na ito matapos umanong mangampanya noong Huwebes Santo at Biyernes Santo na mahigpit na ipinagbabawal ng Comelec.
Naghain na ng disqualification case sa Comelec ang Mindoro Bago Sarili (MBS) Party na kinatawan ni Angel Navarro bilang secretary general laban kay incumbent Mayor at re-electionist Malou Flores- Morillo at sa mga tumatakbong konsehal ng lungsod na sina Atty. Ejay Baculo, Samantha Bug-os, Keenan Gupit Comia, Ruel Cosico, Mylene De Jesus, Agatha Ilano, Atty. Jel Magsuci, Dr. Mervin Tan Joseph Umali at Jaypee Vega
Sa reklamo ng MBS, noong umanong Biyernes Santo, April 18,2025 bandang 11:44 ng umaga sa facebook page na “Ipagpatuloy ang Tama- Calapeño” ay nagpost ito ng audio-visual nang mga inirereklamong kandidatong konsehal na isang uri ng pangangampanya.
Noong April 17, 2025, Hwebes Santo bandang 12:58pm sa facebook page naman ni Mayor Malou Flores- Morillo ay nagpost ito ng mga photos habang nasa isang local festival na Moriones de Calapan suot ang t-shirt ng Team Tama na may mga hashtags na nagpopromote sa kandidatura ni Morillo at ng buong Team Tama.
Para sa MBS , malinaw umano itong paglabag sa panuntunan ng Comelec na bawal ang pangangampanya sa Huwebes at Biyernes Santo kaya hinihiling nil ana madiskwalipika ang pagtakbo nina Mayor Morillo at ng mga tumatakbong konsehal sa ilalim ng Team Tama.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Mayor Morillo at ang Team Tama.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025