Butanding na na-stranded sa Balayan, Batangas, namatay

Ilang beses pang sinubukan na gabayan ng mga tauhan ng Coast Guard pabalik ng dagat ang butanding pero lagi itong bumabalik sa pampang hanggang sa tuluyan ng namatay. Larawan mula sa CGSS Balayan.

BALAYAN, Batangas –  Isang butanding o whale shark na na-stranded sa mababaw na parte ng dagat at ilang beses sinubukang isalba ng mga otoridad ang  namatay  sa Barangay 10, Balayan, Batangas, Linggo ng madaling araw.

Ayon sa Coast Guard  District Southern Tagalog , nagtulong-tulong ang  Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Fisheries Office  at Coast Guard Sub Station Balayan na maibalik sa dagat ang butanding matapos matanggap ang report ng isang residente bandang hatinggabi.

Pero matapos umano ang ilang beses na pagtatanggka ng mga otoridad na ma-ig-uide pabalik sa malalim na parte ng dagat ang butanding ay palagi umano itong bumabalik sa mababaw na bahagi ng dagat.

Bandang ala-singko ng madaling araw ay tuluyan nang namatay ang butanding.

Sa inisyal na assessment ,nakitaan ng butanding ng senyales ng extreme exhaustion.

May sukat ang butanding na 13.8 feet ang haba at 2.95 feet ang lapad.

Alinsunod sa mga local regulasyon ,ang labi ng butanding ay pormal na ibinigay sa Municipal Fisheries Office para sa pagproseso ng paglilibing nito.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *