Bus na biyaheng Bicol, nilamon ng apoy sa Quezon Province

Nasuno ang Raymond Trans na biyaheng Bicol sa may Gumaca, Quezon.

GUMACA, Quezon – Nakaligtas ang mga pasahero ng isang bus na biyaheng Bicol matapos masunog habang binabagtas ang Diversion Road sa Barangay Progreso, Gumaca, Quezon, Linggo ng tanghali.

Sa report ng Gumaca Municipal Police Station, 12:30 ng tanghali nang magliyab ang bus .

Agad na pinababa ang mga pasahero ng  Raymond Trans pero hindi na nailigtas ang mga gamit dahil sa mabilis na paglaki ng apoy.

Ayon sa imbestigasyon ng BFP Gumaca, habang paakyat ang bus sa matarik na daan ay  biglang huminto ang bus  dahil sa posibleng overheating ng makina na nagresulta sa pagkakaroon ng apoy.

Naapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog bandang 12:58 ng tanghali.

Wala naman nasaktan sa mga sakay ng bus.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *