Brgy. Tanod, namaril sa flag raising ceremonoy, Kapitan ng barangay; 2 kagawad, patay; suspek, nagpakamatay

Patay ang kapitan ng barangay Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite at dalawang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng isang tanod sa flag raising ceremony.

CAVITE – Hindi na natapos ang pag-awi ng Lupang Hinirang sa flag raising ceremony sa barangay hall ng Barangay Salitran III sa Dasmariñas City, Cavite, Lunes ng umaga.

Sa larawan  na kuha habang umaawit ng pambansang awit ang mga  barangay official at empleyado ng barangay, isang lalaki na nakasuot din ng uniporme ang makikitang lumapit sa likod ng barangay chairman .

Itinutok ang dalang baril sa likurang bahagi ng ulo ng kapitan ng barangay kasunod ang pagputok ng baril at pagkakagulo.

Bumulagta ang kapitan ng barangay at ang isag kagawad.

Nakatakbo pa sa loob ng barangay hall ang isa pang kagawad pero nadapa ito at binaril  din ng suspek.

Naitakbo pa sa ospital ang mga biktima pero binawian din ng buhay.

Sugatan din ang  isang babaeng barangay secretary ng Sangguniang Kabataan.

Ang suspek ay nakilalang isang barangay tanod ng mismong barangay na 50 taong gulang.

“noong itataas na po ang flag  tutugtugin na yung national anthem natin,bigla pong sumulpot ang suspek  from behind ,dire-diretso po siya sa target which is the barangay chairman of Salitran 3” sabi ni PLTCOL. Regino Oñate, hepe ng Dasmariñas City Police.

Tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo pero hinabol siya ng mga rumespondeng pulis.

Pagdating sa bahay ng suspek ay dito na siya nagbaril sa dibdib.

Itinakbo pa sya sa ospital pero dead on arrival na.

Matinding galit umano ang motibo ng suspek para gawin ang krimen.

Hindi umano matanggap ng suspek na dahil siya ay nagkasakit ay hindi na siya pinagduty ng barangay chairman bilang tanod.

“He has a diabetes ,nag-undergoing treatment din po siya dahil hindi po siya makapagtrabaho ng  maayos pinagpahinga muna po siya ng chairman po natin , sa government no work no pay  parang minasama po ng tao ,ng suspek natin” sabi pa ni hepe.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamunuan ng barangay.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *