Barangay chairman, 2 kagawad, patay sa pamamaril ng ex-tanod sa Dasmariñas City, Cavite; suspek, nagpakamatay din

Dati na umanong may alitan ang suspek at ang kapitan ng barangay

CAVITE– Apat ang kumpirmadong patay kabilang ang barangay chairman at  dalawang barangay kagawad matapos ang pamamaril ng isang dating barangay tanod habang isinasagawa ang flag raising ceremony kaninanh alas-8:00 ng umaga sa Barangay Salitan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, biglang lumapit sa flag raising ceremony ang 50 taong gulang na suspek na si Alyas Ariel, naglabas ng baril at sunod-sunod na  nagpaputok sa mga opisyal ng barangay.

Naitakbo pa sa ospital ang mga biktima pero binawian din ng buhay.

Ayon sa Cavite Police Provincial Office, kabilang sa nasawi  ang 56 na taong gulang na barangay chairman, at dalawang barangay kagawad na may edad 54 at 65 taong gulang.

Nagbaril naman sa sarili ang suspek na idineklarang dead on arrival din sa ospital.

Malubha naman nasugatan ang secretary ng Sangguniang Kabataan.

Iniutos n ani PBGen. Paul Kenneth Lucas, regional director ng Calabarzon PNP ang malalimang imbestigasyon sa kaso.

Ayon kay Lucas, may tagal ng alitan ang suspek at ang barangay chairman.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *