Bangsamoro Police, wala pang suspek sa pumatay sa tatlong Batangueños

Wala pang suspek ang Special Investigation Task Group "Goat Dealers"

CALATAGAN, Batangas – Idineklara ng local na pamahalaan ng Calatagan ,Batangas ang day of mourning ngayong Huwebes bilang pagbibigay dangal sa tatlo nilang residente na mga goat delaers na  brutal na pinatay  sa Maguindanao Del Sur.

Sumisigaw ng hustisya ang mga taga-Calatagan para kina Jhon Luis Olarte, 23 anyos, pinsan niya nan si Gerry Ortega, 32 anyos, at kanilang kaibigan na si Ronald Alumno, 37 anyos na ang mga bangkay na tadtad ng tama ng bala ng baril ay natagpuang nakalibing sa isang mababaw na hukay sa rubber plantation sa Barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao Del Sur noong May 30,2025 matapos  maiulat na nawawala simula pa noong May 11.

“all national flags within the municipality  be flown  at half-mast on said date as a sign  of collective grief and respect” sabi sa pahayag ng LGU Calatagan.

Daan-daan mga residente ng Calatagan ang humilera sa kalsada noong Lunes  noong dumating ang mga labi ng tatlo mula sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Hustisya ang kanilang sigaw at kasabay ang pagbusina ng mga sasakyan upang kondenahin ang karumaldumal na sinapit ng tatlong biktima na  maghahatid lamang ng mga inoder na kambing sa buyer.

Ngayong Huwebes ng 1pm, ililibing na si Alumno habang sa Biyernes naman ang magpinsang Olarte pero hanggang ngayon wala pa rin natutukoy na mga salarin ang mga otoridad sa Maguindanao Del Sur.

“sana po madinig ng atng pangulo para po mabigyan ng hustisya” sabi ni Pablo Olarte, ama ni Jhon Luis.

Aminado si PBGEN Romeo Macapaz, regional director ng Bangsamoro Autonomous Region  Police na wala pang kahit isang  lead  ang binuong Special Investigation Task Group “Goat Dealers”

“unang-una sir pumasok sila na hindi naming alam kung bakit sila pumasok  eh panahon, kasagsagan ng election yun” sabi ni Macapaz.

“Anytime na magkaroon kami ng breakthrough malalaman din naman ninyo” dagdag pa niya.

 Hindi pa rin natatagpuan ang van ng mga biktima.

May 6 nang umalis sa Batangas ang mga biktima lulan ang 10 hybrid goats na ginagamit pang breed para ideliver sa buyer sa Maguindanao del Sur.

Nagkakahalaga ng 1 milyong piso ang mga nasabing kambing.

Nilinaw ng pamilya ng mga biktima na hindi sila ang seller kungdi sila ay transporter lamang o taga-deliver lamang.

Huling nakontak ang mga biktima noong May 11 kung saan sinabi ni Jhon Luis sa kaniyang kapatid na   sila ay nasa checkpoint at 15 minutes na lamang ay magkikita na sila ng buyer.

Nang muling tawagan si Jhon Luisi ay  hindi na ito makontak, hindi rin nagfacebook live na karaniwan niyang ginagawa tuwing ibibigay sa buyer ang mga kambing.

Naalarma ang pamilya at humingi na ng tulong sa mga otoridad.

Makalipas ang 23 araw, nakumpirma na ang malagim na sinapit ng tatlo nang matagpuan ang bangkay nila.

Totoong Balita Southern Tagalog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *