MANSALAY, Oriental Mindoro – Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan na nakalutang sa dagat na sakop ng Barangay Don Pedro, Mansalay, Oriental Mindoro noong Sabado.
Nataguan ng mga mangingisda ang bangkay na tinatayang nasa 45-50 ang edad, katamtaman ang pangangatawan, tinatayang 5’6” ang taas, nakasuot ng berde na shorts , walang damit pang-itaas at may suot na silver na kwintas.
Nagtulong-tulong ang mga Mansalay Municipal Police Station, Roxas Maritime Law Enforcement Team, Philippine Coast Guard Bulalacao at MDRRMO Mansalay para maiahon sa dagat ang bangkay.
Dinala ang bangkay sa Kaaagapay Mo Karamay Funeral Homes.

Larawan mula sa Oriental Mindoro PNP
Walang nakitang palatandaan ng sugat ang biktima pero isasailalim pa rin ito sa post-mortem examination para matukoy ang dahilan ng pagkamatay.
- Lolo namaril sa road rage sa Tanay, Rizal; 2 sugatan - July 8, 2025
- Tatlo,arestado sa Php 1M droga sa Taytay, Rizal - July 7, 2025
- Laguna Governor Sol Aragones Bans Rude Behavior in Public Hospitals - July 7, 2025